PH lawn bowls team itataya ang korona sa Asian meet

MANILA, Philippines — Itataya ng Philippine lawn bowls team ang ka­nilang mga gintong me­dalya sa paghataw ng 16th Asian Lawn Bowls Championships sa susunod na bu­wan.

Sinabi ni coach at tournament director Ronalyn Redima Greenlees na han­da silang ipagtanggol ang men’s pair at women’s singles gold medals.

Maumuno sa kampan­ya ng bansa si Rodel Laba­yo, ang back-to-back gold medalistsa pairs event, ka­tambal si Elmer Abatayo.

“Gusto namin dito sa Pi­lipinas mag three-peat,” sabi kahapon ni Labayo sa Philippine Sportswriters Association Forum sa Rizal Memorial Sports Complex Conference Hall.

Idedepensa rin ni Rosi­ta Bradborn ang kanyang titulo sa women’s singles na nakamit niya sa Thailand matapos ang dalawang silver-medal finishes.

“Nag-tiyaga kami ng husto sa training para ma­nalo ulit,” wika ni Bradborn sa sesyon na inihandog ng San Miguel Corporation, PSC, Philippine Olympic Committee, Smart/PLDT, MILO at 24/7 sports app Are­naPlus.

Bukod sa Pilipinas, ta­tar­­get din ng ginto ang mga koponan ng Malaysia, Iran, Brunei, Japan, Hong Kong, Singapore, Thailand, Ma­laysia, Macau, South Korea at China.

Walong ginto sa singles, pairs, triples at fours (men at women) ang pag­­lalabanan sa event na nakatakda sa Abril 27 hang­gang Mayo 4 sa Clark Bowling Greens sa Clark, Pampanga.

Ayon kay Greenlees, da­­lawang dekada nang ni­lalaro ang lawn bowls sa bansa at idinaos sa 2019 Manila SEA Games kung saan wagi ang mga Pi­noy ng isang gold, tatlong sil­ver at dalawang bronze me­dals.

“Kilala na kami sa mundo. Dito lang sa Pilipinas hin­di,” paghihinanakit ni Greenlees.

Show comments