Warriors inakbayan ni Curry sa panalo

SAN FRANCISCO — Nagkadena si Stephen Curry ng 28 points, 7 rebounds at 5 assists dala­wang araw matapos hira­ngin bilang unang player sa NBA history na nagsalpak ng 4,000 three-pointers para igiya ang Golden State Warriors sa 97-94 pag­lusot sa New York Knicks.

Si coach Steve Kerr ang naging Warriors regu­lar-season victory leader sa kanyang ika-558 pa­nalo sa 11 season matapos u­ngu­san si Hall of Famer Al Attles.

Nagdagdag si Jimmy Butler ng 11 points, 7 assists at 6 rebounds para sa pang-pitong sunod na ratsada ng Golden State (39-28).

Pinamunuan ni Karl-Anthony Towns ang New York (42-24) sa kanyang 29 points at 12 rebounds.

Sa New York, umiskor si Kristaps Porzingis ng 24 points sa 115-113 pagdaig ng nagdedepensang Boston Celtics (49-19) sa Brooklyn Nets (22-45).

Sa Detroit, nagbagsak si Shai Gilgeous-Alexander ng 48 points sa 113-107 panalo ng Oklahoma City Thunder (55-12) sa Pistons (37-31).

Sa Denver, isinalpak ni Jordan Poole ang isang three-point shot sa hu­ling 2.1 segundo para sa 126-123 pag-eskapo ng W­ashington Wizards (15-51) sa Nuggets (43-15).

Sa Milwaukee, kumolekta si Giannis Anteto­kounmpo ng 34 points, 10 rebounds at 7 assists sa 126-119 pagsuwag ng Bucks (38-28) sa Indiana Pacers (37-29).

Sa Houston, humataw si Fil-Am Jalen Green ng 28 points sa 117-114 pagtakas ng Rockets (43-25) sa Chicago Bulls (28-39).

Show comments