PSN Anniversary: Liga Ngayon 3x3 didribol sa Quezon City

MANILA, Philippines — Sisiklab ngayon ang inaabangang PSN Anniversary: Liga Ngayon 3x3 basketball tournament na inihahandog ng Pilipino Star NGAYON sa pakiki­pagtulungan kay Quezon City Councilor Mikey Belmonte.

Magpapambuno ang limang tropa para sa prem­yo at karangalan sa Freedom Park Covered Court sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Premyong P20,000 ang pag-aagawan ng mga 3x3 teams habang ang magtatapos sa second place ay tatanggap ng P15,000 at P10,000 para naman sa pupuwesto sa third place ng nasabing one-day event.

Si Belmonte ang personal na mag-aabot ng mga premyo pati na sa tatanghaling Most Valuable Player at ang mga mapapabilang sa Mythical Three.

Ang mga tropang maki­kipagkiskisan sa loob ng court ay ang Cavite Team, Laguna Team, Manila Team, Batasan Hills Team at Batangas Team.

Ang event ay itinataguyod ng J&T, Mondelez, SMC, SM Supermalls, SM Foundation at Bingo Plus.

Show comments