4,000
Curry, three points!
Mula nung ma-draft ng Golden State si Steph Curry nung 2009, 4,000 times nang narinig ang linyang ito sa NBA.
Yes, 4,000 na tres na ang nasa pangalan ni Curry, ang all-time leader sa NBA at sa buong planeta.
Sa game against Sacramento nung Friday ito ginawa ni Curry. Sa third quarter dumating ang milestone three-pointer.
No question, undisputed three-point king si Curry ke manalo siya sa three-point shootout ng NBA All-Stars or hindi.
Ang usapan dito, padamihan ng tres sa NBA. Second lang si James Harden (3,131) kasunod si Damian Lillard (2,794) at Klay Thompson (2,667).
Duda ako na may aabot pa sa 4,000.
Dito sa PBA, si Marcio Lassiter ang all-time leader with 1,254 kasunod si Jimmy Alapag with 1,250 at Allan Caidic with 1,242. Malayo sa 4,000.
Sa mga tres ni Curry, kabilang dito ang ilang half-court shots at ilang lampas pa sa halfcourt.
Parang free throw ang tres sa kanya.
Merong post ang Golden State Warriors sa YouTube kahapon ng lahat ng three-point shots ni Curry sa NBA. Lahat as in lahat.
Umabot ng pitong oras ang video or katumbas ng isang mahabang tulog. Sa haba ng video, talagang makakatulog ako.
Pahabol: Happy Anniversary sa Pilipino Star NGAYON. Salamat sa readers.
- Latest