Curry kinumpleto ang NBA record na 4,000 triples

Curry hits record 4,000th 3-pointer as Warriors rout Kings Stephen Curry of the Golden State Warriors reacts after making his 4,000th career 3-pointer against the Sacramento Kings during the third quarter of their game at the Chase Center on March 13, 2025 in San Francisco, California.
Thearon W. Henderson / Getty Images / AFP

SAN FRANCISCO - Hi­nirang si Stephen Curry bilang unang player sa NBA history na nagsalpak ng 4,000 career three-pointers sa 130-104 demolisyon ng Golden State Warriors sa Sac­ramento Kings.

Tumapos si Curry na may 11 points kasama ang dalawang tres para sa six-game winning streak ng Warriors (38-28).

Nagdiwang ang mga fans nang ipasok ng 37-anyos na si Curry ang kan­yang ika-4,000 triple sa third quarter kasunod ang isang video tribute.

Bumira si Draymond Green ng 23 points at may 18 markers ang nagbabalik na si Jonathan Kuminga.

Pinamunuan ni DeMar DeRozan ang Kings (33-32) sa kanyang 23 points.

Sa Milwaukee, huma­kot si Giannis Anteto­kounmpo ng 24 points, 12 rebounds at 9 assists sa 126-106 pagsuwag ng Bucks (37-28) sa Los An­ge­les Lakers (40-24).

Nabalewala ang itina­lang 45 points at 11 boards ni Luka Doncic sa panig ng Lakers.

Sa New Orleans, ku­mo­­­lekta si forward Paolo Banchero ng 34 points, 11 re­bounds at 4 steals sa 113-93 paggupo ng Or­­lando Magic (31-36) sa Palicans (18-49).

Sa Detroit, isinalpak ni Alex Sarr ang isang go-ahead basket sa huling 53 segundo at tumapos na may 19 points sa 129-125 pag­takas ng Washington Wizards (14-51) sa Pistons (37-30).

Sa Chicago, umiskor si Coby White ng 31 points sa 116-110 pagdaig ng Bulls (28-38) sa Brooklyn Nets (22-44).

Show comments