Nets sinilat ang James-less Lakers

NEW YORK — Umiskor si Noah Clowney ng 19 points para tulungan ang Brooklyn Nets sa 111-108 pagtakas sa Los Angeles Lakers na naglaro na wala si LeBron James.

May tig-18 markers sina Cam Johnson at Keon Johnson sa pagpigil ng Nets (22-42) sa kanilang seven-game losing slump.

Humakot si Luka Doncic ng triple-double na 22 points, 12 rebounds at 12 assists para sa unang laro ng Lakers (40-23) na wala si James na may strained left groin.

Nagtala si Gabe Vincent ng 24 points habang may 19 at 17 markers sina Dalton Knecht at Austin Reaves, ayon sa pagkaka­sunod.

Kumonekta si Doncic ng isang 35-footer para i­lapit ang Lakers sa 106-108 sa huling 10.6 segundo ng fourth quarter bago ibigay ni Clowney sa Nets ang isang five-point advantage.

Sa Boston, nagsalpak si Sam Hauser ng season-high na siyam na triples at tumapos na may career-best 33 points sa 114-108 pagdaig ng nagdedepensang Celtics (47-18) sa Utah Jazz (15-50).

Sa Oklahoma City, nagsumite si Nikola Jokic ng 35 points, 18 rebounds at 8 assists sa 140-127 pagresbak ng Denver Nuggets (42-2) sa Thunder (53-12).

Sa Miami, kumamada si Miles Bridges ng 35 points at may 24 markers si Mark Williams sa 105-102 paglusot ng Charlotte Hornets (16-48) sa Heat (29-35).

Show comments