Don’t Panic
Relax!
Ang dagdag pa ng lumang advertisement sa mga dyaryo, see a movie.
Mensahe ‘yan sa Pinoy basketball fans, mga Gilas diehards na nag-react matapos ang sunud-sunod na talo ng team.
Tatlong friendly games muna. Nanalo sa host Qatar then olats sa Lebanon at Egypt. Then lumipad pa Taiwan para sa pagtatapos ng FIBA Asia Cup Qualifiers.
Dun natalo sa Chinese-Taipei at New Zealand at maraming nag-panic.
Alam mo naman ang Pinoy, pagdating sa basketball, madamdamin. Sabi ng iba, maglagay na daw ng bagong players, palitan ang coach.
Pati isang sportswriter na maanghang mag-kumento, gawin na daw Gilas coach dahil parang mas marunong pa kay Tim Cone.
Well, sa totoo lang, no need to panic.
Ang akin lang, para kasi naitanim sa isip ng lahat na no-bearing ang games laban sa Chinese-Taipei at New Zealand na pareho naman kaya talunin.
‘Yun pala, kung ipinanalo natin pareho, mas maganda ang position natin sa draw ng FIBA Asia Cup. Mas magaan ang mga unang kalaban at makakaiwas sa heavyweights bago umabot sa semis or finals.
Sa August pa ang FIBA Asia Cup kung saan qualified na tayo. Sana, by that time, mas maganda na ang takbo ng team. Halos kalahating taon pa ‘yan.
‘Wag lang sana natin marinig later on na, “We didn’t have enough time to train” or “We really missed Kai Sotto.”
- Latest