T-Wolves sumabog sa Rockets

HOUSTON - Kumamada si Fil-Am guard Jalen Green ng 35 points at kumolekta si Alperen Sengun ng 24 points at 13 rebounds sa 121-115 paggiba ng Rockets sa Minnesota Timberwolves.
Tumipa si Amen Thompson ng 17 points, 10 rebounds at 6 assists para sa Houston (35-21) na nagsalpak ng 13 three-point shots habang may 15 markers si Jabari Smith Jr
Bumira si Anthony Edwards ng 37 points sa panig ng Minnesota (31-26) na nakahugot ng 22, 21 at 16 markers kina Naz Reid, Jaden McDaniels at Nickeil Alexander-Walker, ayon sa pagkakasunod.
Nagtabla sa 108-108, nagsalpak si Green ng isang triple sa huling limang minuto ng fourth period para sindihan ang 9-2 atake ng Rockets at iposte ang seven-point lead sa Timberwolves sa natitirang 48 segundo.
Sa Salt Lake City, bumira si Shai Gilgeous-Alexander ng 21 points sa 130-107 dominasyon ng West-leading Oklahoma City Thunder (45-10) sa Utah Jazz (13-42).
Sa Dallas, nagpasabog si Kyrie Irving ng 35 points at may 24 markers si P.J. Washington Jr. sa 111-103 paggupo ng Mavericks (31-26) sa New Orleans Pelicans (13-43).
Sa Sacramento, umiskor sina Buddy Hield at Moses Moody ng tig-22 points para gabayan ang Golden State Warriors (29-27) sa 132-106 panalo sa Kings (28-28).
Sa Toronto, naglista si Tyler Herro ng 28 points sa 120-111 overtime win ng Miami Heat (26-28) sa Raptors (17-39).
- Latest