Davis bumida sa panalo ng Mavs

DALLAS — Humakot si Anthony Davis ng 26 points, 16 rebounds, 7 assists at 3 blocks sa kanyang Mavericks debut bago inilabas sa third quarter dahil sa lower-body injury sa kanilang 116-105 paggiba sa Houston Rockets.

Ito ang unang salang ni Davis sapul noong Enero 28 dahil sa isang abdominal strain at iniskor ang anim sa unang 14 points ng Dallas (28-25).

Nahugot ng Mavericks ang 31-anyos na si Davis mula sa Los Angeles Lakers kasama si Max Christie kapalit ni superstar Luka Doncic.

Nagtala si Alperen Sengun ng 30 points at may 24 markers si Fil-Am guard Jalen Green para sa Houston (32-20) na nahulog sa isang six-game losing slump.

Matapos makadikit ang Rockets sa 100-104 mula sa 21-point second-quarter deficit sa 2:43 minuto ng fourth period ay nagsalpak si Kyrie Irving ng dalawang free throws para sa 106-100 bentahe ng Mavericks.

Ang ikaapat na three-point shot ni Christie ang nag­layo sa Dallas sa 109-100 sa huling 1:38 minuto.

Sa Los Angeles, nagpasabog si Austin Reaves ng career-high 45 points para sa 124-117 panalo ng Lakers (31-19) sa Indiana Pacers (29-22) bagama’t hindi naglaro sina LeBron James at Doncic.

Sa Chicago, bumira si Stephen Curry ng 34 points tampok ang season high na walong triples at may 25 markers si Jimmy Butler sa kanyang debut sa Golden State Warriors (26-26) sa kanilang 132-111 paglampaso sa Bulls (22-31).

Show comments