Philippine women’s curlers umiskor ng panalo sa Hong Kong

MANILA, Philippines — Nagposte ng panalo ang Team Philippines sa women’s curling team competition ng 9th Asian Winter Games kahapon dito.

Matapos tumulong sa fourth place finish sa mixed doubles event ay bumandera si Kathleen Dubberstein sa tropa sa 7-2 paggupo sa Hong Kong sa Harbin Pingfang Curling Arena.

 “It was really a good start. We just have to sustain it in our succeeding matches,” wika ng 30-an­yos na si Dubberstein na muntik nang makopo ang historic medal para sa bansa kasama si Filipino-Swiss Marc Pfister sa mixed doubles kung saan sila natalo sa host China sa battle for third.

Sumuporta rin sina Leilani Sumbillo at Sheila Mariano sa paggupo sa Hong Kong.

Blinangka naman ng mga Filipino curlers ang Hong Kong sa 6-0 sa likod nina Anne Bonache at Jennifer dela Fuente.

Samantala, bigo si Peter Joseph Groseclose na makapasok sa medal round ng Asian Winter Games men’s short track speed skating na ginaganap sa HIC Multifunctional Hall sa Harbin, China.

Nagsumite si Groseclose ng 1:28.045 para magkasya lamang sa ikatlong puwesto sa Group 4 ng 1000m quarterfinal round.

Show comments