Nakakaluka

Nayanig ang mundo ng basketball sa blockbuster trade nila Luka Doncic at Anthony Davis last week.

Kumbaga sa lindol, intensity six.

Top secret ang nangyari. Akala mo, CIA operation. Classified.

Pati si LeBron James eh nagulat at dehins niya alam na papakawalan na pala ng LA Lakers ang best friend niya na si Anthony Davis.

Well, dun naman ako dehins maniwala. Baka kasama lang sa usapan na wala kunyaring alam si LeBron.

Ang sabi nga ng iba, si LeBron ang tunay na ge­neral manager ng Lakers, meaning walang development sa team na dehins dadaan sa kanya maging player trade or acquisition or coaching change.

‘Yun pa kayang blockbuster trade involving Davis at si Doncic ng Dallas?

Ang tingin ko, si LeBron ang arkitekto ng lahat. Baka ang usapan, dehins aalis si LeBron sa LA basta bigyan siya ng management ng isang alas.

‘Yung kaya siyang tulungan mag-champion one last time bago mag-retire ang 40-year-old megastar.

Si Luka ‘yung alas.

Show comments