Gilas mapapalaban sa FIBA Asia Cup Qualifiers final window
MANILA, Philippines — Matinding schedule ang pagdaraanan ng Gilas Pilipinas sa Pebrero bago sumalang sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.
Posbleng sumailalim mula sa ilang araw na training camp ang Gilas Pilipinas sa Maynila bago tumulak sa Pebrero 13 sa Doha, Qtaar para sumalang sa 2nd International Friendly Basketball Championship.
Tatakbo ang torneo sa Pebrero 14 hanggang 16 kung saan makakalaban ng Pinoy squad ang Qatar, Egypt at Lebanon.
Matapos ang Doha tournament, agad na babalik ang Gilas Pilipinas sa Maynila.
Mula Maynila, tutulak naman ang Gilas Pilipinas sa Taiwan para sa unang laban nito sa FIBA Asia Cup Qualifiers final window.
Nakatakda ang laban ng Gilas Pilipinas at Chinese-Taipei sa Pebrero 20 sa Taipei, Taiwan.
Matapos nito, magtutungo naman ang Gilas Pilipinas sa Auckland, New Zealand para sa huling laro nito kontra sa Kiwis sa Pebrero 23.
“It’s going to be really tough. It’s going to be really hard on the players, all the travel going to Doha back to Manila, and then to Taiwan and then over to Hong Kong I think it is, and then down to Auckland,” ani Gilas Pilipinas head coach Tim Cone.
Aminado si Cone na matindi ang pagdaraanan ng kanyang tropa.
Ngunit magandang pagkakataon ito para sa Gilas Pilipinas na masanay sa ganitong uri ng sitwasyon na maaari nilang maranasan sa mga susunod na laban.
“We’ll be doing a lot of travel in about less than eight or nine day-time. But we wanted hard. That’s the whole point because this is about prep,” ani Cone.
Hindi makakasama ng Gilas Pilipinas si bigman Kai Sotto na kasalukuyang nagpapagaling matapos sumailalim sa operasyon sa kanyang torn ACL injury.
- Latest