^

PSN Palaro

Sad news

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Malayo man sila sa atin, nakakalungkot ang balita na kasama sa mga nasawi sa isang airline tragedy sa US this week ang mga batang figure skaters.

Sila Jinna Lin at Spencer Lane, parehong may lahing Koreano at parehong based sa US, ang mga promising ice skaters na nasawi.

Si Jinna ay 13 years old at si Spencer naman 16. Ang sabi, future Olympians ang dalawa na miyembro ng Skating Club of Boston.

Galing sila sa isang competition at training camp sa Kansas nang sumalpok ang eroplano nila sa isang Black Hawk helicopter. Patuloy ang investigation sa insidente kung saan 67 ang namatay.

Ang masaklap, 750 meters na lang sila sa runway sa Washington. Akalain mo na tanaw mo na ang mga city lights at palanding na lang eh may masama pa pala na mangyayari.

Just like that, natapos ang pangarap ng dalawang batang figure skaters. Lumabas ang mga larawan nila the other day sa news outlets sa US.

Nakakalungkot.

Kasama sa eroplano at sa casualties ang mga nanay ng dalawang skaters at ang dalawa nilang coaches na Russians na parehong gold medalists sa 1994 World Championships.

Hindi ko alam kung ikakalubag ito ng loob ng mga pamilya nila na hanggang sa huli, kasama ng mga skaters ang mga taong pinakamalapit sa kanila.

Hindi man sila umabot sa Olympics, I’m sure nasa heaven na sila.

Habang sinusulat ko ito, isa na namang plane crash ang nangyari sa Philadelphia kahapon ng umaga.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->