^

PSN Palaro

Sotto ‘di makakalaro sa final window

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naging matagumpay ang isinagawang operasyon sa tuhod ni Gilas Pilipinas standout Kai Sotto base sa post nito sa kaniyang social media.

May larawang ipinost ng 7-foot-3 Pinoy cager, sinabi nitong tapos na ang kaniyang operasyon kung saan nagpasalamat ito sa ligtas na pagsasagawa ng procedure.

Ilang linggo rin itong magpapahinga bago sumalang sa rehabilistasyon upang mapabilis ang paggaling ng kaniyang injury.

Sumalang sa operasyon si Sotto matapos itong magtamo ng torn anteior cruciate ligament (ACL) sa laro ng Koshigaya Alphas sa Japan B.League.

Mangangailangan ng anim hanggang walong buwan na rehabilitasyon para tuluyang gumaling ang injury nito.

Dahil dito ay hindi makalalaro si Sotto sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na gaganapin sa Pebrero 20 at 23 sa magkahiwalay na venues.

Malungkot si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone sa nangyari kay Sotto ngunit tiwala itong magiging mabilis ang paggaling nito lalo pa’t bata pa ito.

KAI SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->