^

PSN Palaro

Walang hinto hangga’t walang ginto — Petecio

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Desidido si two-time Olympic medalist Nesthy Petecio na makamit ang gintong medalya sa 2028 Los Angeles Olympics na gaganapin sa Amerika.

Dalawang beses nang nabigyan ng pagkakataon si Petecio na makapag-uwi ng gintong medalya sa Olympics.

Subalit bigo ito sa kanyang unang dalawang pagtatangka matapos magkasya sa pilak sa kanyang unang Olympics noong 2020 Games sa Tokyo, Japan.

Sa 2024 Paris Olympics, nagkasya naman sa tanso si Petecio matapos matalo sa semifinals.

Kaya naman kung ma­bibigyan ng pagkakataon na muling makapasok sa LA Olympics, walang duda na ilalabas na ni Petecio ang buong lakas nito para magkaroon ng magandang pagtatapos ang kanyang amateur boxing career.

“Kung bibigyan ako ng pagkakataon na mag-qua­lify ako, ipupush pa natin ng ipupush na maiuwi natin ang ginto,” ani Petecio.

Ibubuhos ni Petecio ang lahat sa training para matiyak na nasa perpektong kundisyon ito sa oras na dumating ang naturang pagkakataon.

Bibitbitin ni Petecio ang isang pangakong nais nitong matupad.

“Walang hinto hanggang walang ginto,” deklara ni Petecio.

Nanganganib pang matanggal ang boxing sa LA Olympics dahil sa kaliwa’t kanang isyu ng international boxing association nito.

Subalit kumpiyansa si Petecio na mananatili sa kalendaryo ng Olympics ang boxing sa LA edition nito.

NESTHY PETECIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with