Silay ginulat ang VNS

Na-blocked ni Van Emhiel Roy ng Lingayen ang kill ni Carl John Nabora ng Zamboanga.
@pnvf photo

Sa PNVF U21 nationals opener

MANILA, Philippines — Ginulat ng ONE Silay ang Volleyball Never Stop (VNS) Club, 25-22, 25-23, 22-25, 32-30, sa pagsisimula ng Philippine National Volleyball Fe­deration (PNVF) Under-21 Championship National Men’s Division kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Kaagad nagtala ng panalo ang Negros Occi­dental team sa pagpapa­tumba sa VNS squad sa Group A ng five-day championship na idinaraos sa unang pagkakataon ng PNVF sa pangunguna ni Ramon “Tats” Suzara.

Tinakasan naman ng Mindanao No. 1-ranked Zamboanga City ang North Luzon No. 2 Lingayen, 16-25, 25-20, 23-25, 30-28, 15-7, sa isa pang laro sa Group A.

Magtutuos ang One Silay at Zamboanga City ngayong alas-2 ng hapon sa torneong suportado ng Akari, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Meralco, PLDT, Smart, AyalaLand, Nuvali, Mikasa, Senoh, Asics, Rebisco, Cignal, OneSports, One­Sports+ at Pilipinas Live.

Maghaharap din sa preliminary ang Notre Dame ng Dadiangas University at City of Naga-Cebu Volleyball Club sa alas-9 ng umaga.

Sa alas-11 ng umaga ay magkikita ang Umingan Volleyball Club at University of the East, habang magla­laban ang VNS at Lingayen sa alas-4 ng hapon.

Magpapatuloy ang preliminaries hanggang bukas kasunod ang semifinal matches sa Sabado at ang finals sa Linggo.

Show comments