BOSTON — Nagsalpak si Amen Thompson ng isang game-winning floater sa huling 0.7 segundo ng laro para sa 114-112 pagtakas ng Houston Rockets sa nagdedepensang Celtics.
Tumapos si Thompson na may 33 points para sa Houston (31-14) na nakahugot kay Dillon Brooks ng game-high 36 markers tampok ang 10 three-point shots.
Nalimitahan si Fil-Am leading scorer Jalen Green sa 12 points.
Pinamunuan ni Jaylen Brown ang Boston (32-15) sa kanyang 28 points kasunod ang 19 markers ni Jayson Tatum.
Ang layup ni Tatum sa huling 5.3 segundo ng fourth quarter ang nagtabla sa Celtics sa 112-112 kasunod ang game-winning basket ni Thompson para sa Rockets.
Sa Cleveland, tumipa si Darius Garland ng 22 points at may 21 markers si Donovan Mitchell sa 110-91 panalo ng Cavaliers (37-9) sa Detroit Pistons (23-23).
Sa Charlotte, nagposte si Anthony Davis ng 42 points at 23 rebounds sa 112-107 paggupo ng Los Angeles Lakers (26-18) sa Hornets (12-31).
Sa Minneapolis, kumamada si Anthony Edwards ng 23 points at may 20 markers si Julius Randle sa 100-92 paglamon ng Minnesota Timberwolves (25-21) sa Atlanta Hawks (22-24).
Sa Salt Lake City, naglista sina Giannis Antetokounmpo at Damian Lillard ng tig-35 points sa 125-110 pagsuwag ng Milwaukee Bucks (26-18) sa Utah Jazz (10-34).