Thunder pinasabugan ang Trail Blazers

Iniskoran ni Thunder guard Shai Gilgeous-Ale­xander si Trail Blazers forward Deni Avdija.

PORTLAND, Ore. — Nag­pasabog si Shai Gilge­ous-Alexander ng 33 points para banderahan ang NBA-leading Oklahoma City Thunder sa 118-108 pa­nalo sa Trail Blazers.

Ito ang pang-15 sunod na pagdaig ng Oklahoma City (37-8) sa Portland (17-29) sa kanilang duwelo.

Nag-ambag si forward Ja­len Williams ng 24 points at 8 assists, habang hu­makot si center Isaiah Hartenstein ng 14 points at 11 rebounds para sa Thunder na nakabawi sa na­unang kabiguan sa Dallas Mavericks.

“Just executing,” wika ni Hartenstein. “Focusing on the details.”

Pinamunuan ni Deni Av­dija ang Trail Blazers sa kanyang 28 points, 8 assists at 7 rebounds.

Nagtapos ang kanilang four-game winning streak.

Nagdagdag si Scoot Hen­derson ng 25 points mula sa bench kasunod ang 24 markers ni Touma­ni Ca­mara

Nakalapit ang Portland sa 88-93 mula sa da­lawang free throws ni An­fernee Simons sa hu­ling 2:37 minuto ng fourth quarter matapos mabaon sa isang 15-point deficit sa third period.

Kumonekta si Williams ng isang three-pointer para muling ilayo ang Thunder sa 96-88.

Ang isa pang triple ni Alex Caruso ang nagpadyak sa 105-90 bentahe ng Oklahoma City.

Itinala ng Thunder ang 112-106 kalamangan sa huling 1:49 remaining ma­tapos ang slam dunk ni Hartenstein mula sa assist ni Gilgeous-Alexander.

Sunod na isinalpak ni Gilgeous-Alexander ang isang driving layup para ha­takin ang kanilang bentahe sa double digits.

Mula rito ay hiindi na nakalapit ang Portland.

Nauna nang kinuha ng Trail Blazers ang 10-point lead bago nakatabla ang Thunder sa 27-27 patungo sa pagtatayo ng 66-53 halftime advantage.

Show comments