Alcoseba wagi sa NAGT Series

MANILA, Philippines — Matagumpay na naidepensa ni Raven Faith Al­co­seba ang kanyang korona sa women’s division ng 2025 National Age Group Triathlon (NAGT) Series ope­­ning leg noong Linggo sa Subic Boardwalk, Zambales.

Sinikwat ni Alcoseba, ang 2023 Cambodia Southeast Asian Games aquathlon bronze meda­list, ang kanyang ikaapat na titulo sa oras na 1:09.55 .

Inungusan niya sina Eri­ka Nicole Burgos ng Tanauan, Ba­tangas (1:06:33) at Kira Ellis ng Laguna (1:06:16).

“Lima kaming magkakasabay at nag-catch up lang po ako sa bike and then sa run,” pa­hayag ng 22-anyos na tu­bong Talisay City na si Al­coseba.

Nagtala naman si Andrew Kim Remolino, ang se­cond year Marke­ting Ma­nagement student sa Uni­versity of San Jose Re­coletos-Cebu City, ng personal best na 56:44 para sa ikalawang sunod niyang men’s elite championship.

Sinira ang sariling oras na 56:56 nang mag­ha­ri rin noong isang taon, si­napawan ni Re­molino ang kapwa Cebuano na si Matthew Justine Hermosa na nagrehistro ng bilis na 56:46.

“We want to maintain our best time po kasi this is the start of the season,” ani Remolino.

“Ma­rami pa pong puwedeng mangyari at hindi pa po talaga sigurado kung sino ang makakapag-represent sa amin sa December Thailand SEA Games,” dagdag nito.

Nakopo ni Jose Ramos ang ikatlong puwesto sa Elite Men sa 57:22.

Show comments