^

PSN Palaro

SGA 2-0 na sa Dubai

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ayaw paawat ng Strong Group Athletics matapos ilampaso ang Al Nasr, 99-87, upang masikwat ang ikalawang sunod na panalo nito sa  34th Dubai International Basketball Cham­pionship kahapon sa Al Nasr Club sa Dubai, United Arab Emirates.

Muling umarangkada si dating NBA star Chris McCullough na kumana ng 31 puntos at siyam na rebounds para dalhin ang Strong Group sa 2-0 rekord.

Nagparamdam naman si Filipino-American guard Mikey Williams na umiskor ng 16 markers habang naglista si Dave Ildefonso ng karagdagang 13 points para sa Strong Group.

Lamang ang Strong Group ng 12 puntos sa halftime.

Ngunit nagpasabog ang Pinoy squad ng 17-2 run tampok ang three-point play ni McCullough para lalo pang palobohin ang bentahe nito sa 27 puntos (67-40).

Mula dito ay hindi na lumingon pa ang Strong Group para makuha ang panalo.

Nanguna para sa Al Nasr si Harat Mohammed na umani ng 34 puntos.

Hindi naman pinalad ang Zamboanga Valientes na lumasap ng  97-82 kabiguan sa kamay ng Sharjah SC sa kanilang unang pagsalang.

NBA

UAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with