Batang Pier dinispatsa ang Bossing

Inatake ni NorthPort guard Joshua Munzon ang depensa ng Blackwater.

MANILA, Philippines — Pinatibay ng NorthPort ang tsansa sa isa sa da­lawang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals ma­­tapos ang 120-93 pag­dis­patsa sa Blackwater sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup kaha­pon sa Ynares Center sa An­tipolo City.

Bumanat si import Kadeem Jack ng 30 points, ha­bang may 21 markers si Joshua Munzon para sa pagsasara ng Batang Pier sa eliminations bitbit ang 9-3 baraha.

Nagkuwintas si Arvin Tolentino ng triple-double na 14 points, 10 rebounds at 11 assists para sa back-to-back wins ng tropa ni coach Bonnie Tan.

“Sabi nga ni coach Bonnie sa team, saluhin lang na­min lagi ng dalawang ka­may iyong ibibigay na panalo sa amin,” wika ni assistant coach Rensy Bajar.

Tinapos ng Bossing ang kanilang kampanya sa 3-9 at muling naglaro na wala si injured reinforcement George King.

Pinamunuan ni center Justine Chua ang Blackwater sa kanyang 15 points.

Matapos kunin ang 30-26 abante sa pagtatapos ng first period ay inilista ng NorthPort ang 20-point lead, 57-37, sa second quar­ter patungo sa 109-73 pag­layo sa final canto.

Show comments