SGA pinagulong ang UAE sa Dubai Cup

Strong Group Athletics remained unblemished in the William Jones Cup.

MANILA, Philippines — Malakas ang simula ng Strong Group Athletics (SGA) nang pabagsakin nito ang United Arab Emi­rates (UAE), 99-91, upang masiguro ang pambuena­manong panalo sa 34th Du­bai International Basket­ball Championship na ginaganap sa Al Nasr Club sa Dubai, UAE.

Nanguna sa kampanya ng SGA sina NBA vete­rans Chris McCullough at DeMarcus Cousins para dalhin ang kanilang tropa sa 1-0 rekord.

Nagtala si McCullough, ang 2024 William Jones Cup Most Valuable Player, ng 28 points mula sa 10-of-17 shooting clip, habang nagdagdag naman si Cousins ng 24 markers, 4 reboudns at 4 assists.

“We’re still in the process of familiarizing ourselves as a team, but we’ve been through this before and will become more cohesive as the tournament progresses,” wika ni SGA head coach Charles Tiu ma­tapos ang alro.

Malaki rin ang kontribusyon ni dating NBA gunner Malachi Richardson na umiskor ng 21 points, habang naglista si Rhenz Abando ng 13 marker.

“I’m glad our imports stepped up today, and we’ll make sure our locals are ready to deliver in the next game,” ani Tiu.

Nanguna para sa UAE si naturalized player DeMarco Dickerson na umiskor ng 25 points kasama si Qais Alshabebi na nagre­histro ng 23 markers.

Target ng SGA na ma­sungkit ang ikalawang su­nod na panalo sa pag­sa­gupa nito sa Al Nasr sa ala-1 ng madaling araw Linggo (oras sa Maynila).

Show comments