Junior Altas puntirya ang unang NCAA championship

Ang paghahanda ng Perpetual Junior Altas para sa NCAA Season 100 juniors’ basketball tournament.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Ang kauna-unahang ju­niors’ basketball crown ang target ng University of Perpetual Help System DALTA sa pagdribol ng NCAA Season 100 juniors’ basketball tournament sa Pebrero 18.

Kinapos ang Junior Al­tas sa nakaraang Season 99 matapos matalo sa nag­­haring Letran Squires.

Matapos ito ay nag­kam­peon naman ang Perpetual sa NGBL Cham­pionship, sa Under Armour In­vitational Championship at sa Junior MPBL.

Tinalo ng Junior Altas sa NGBL Finals ang Natio­nal University Bullpups, ang Mapua Red Robins sa Under Armour at ang Rizal Province (Arellano Braves) sa Junior MPBL.

“We are doing this for our main tournament, the NCAA,” sabi ni Junior Al­tas head coach Joph Cleopas. “Don’t lose your hunger in each game, focus on the goal and stay hungry.”

Sa pagsalang ng Per­pe­­tual sa NCAA Season 100 ay aasahan ni Cleopas sina win towers Lebron Jhames Daep at Aries Bor­­ja kasama sina Kelsey Bal­doria, Icee Callangan, JD Pagulayan, Jericho Cris­tino, Jan Roluna, TJ Tab­buan at Lance Nitura.

Ipaparada rin ng Junior Altas sina rookies, Kurt Ve­­lasquez, Louie Rosales, Felix Corpuz, Hanz Llupar, Kurt Patalinghug at Renzo Zanoria.

Show comments