SGA inakbayan ang OKC sa panalo

Tinirahan ni Thunder guard Shai Gilgeous-Ale­xander si Jass forward Lauri Markkanen.

OKLAHOMA CITY — Nagpaputok si Shai Gilgeous-Alexander ng career-high 54 points bukod sa 8 rebounds, 5 assists at 3 steals para gabayan ang Thunder sa 123-114 pagpapatumba sa Utah Jazz.

Tumipa si Gilgeous-Alexander ng 17-of-18 shooting sa free throw line at lampasan ang nauna niyang career best na 45 points para sa Oklahoma City (36-7) na tinablahan ang Cleveland Cavaliers para sa best record.

Kumolekta si John Collins ng 22 points at 12 rebounds sa panig ng Utah (10-32) na nakahugot kay Walker Kessler ng 17 points at 15 rebounds.

Umiskor si Gilgeous-Alexander ng 23 points sa first half para sa 57-55 halftime lead ng Thunder bago iwanan ang Jazz sa 95-89 sa fourth quarter.

Sa Houston, ipinasok ni Alperen Sengun ang dalawang free throws sa huling 4.5 segundo sa 109-108 pag-eskapo ng Rockets (29-14) sa Cavaliers (36-7).

Sa Memphis, kumamada si Desmond Bane ng 24 points at may 23 markers si Luke Kennard kasama ang season-high na pitong 3-pointers sa 132-120 panalo ng Grizzlies (29-15) sa Charlotte Hornet (11-29).

Sa Dallas, naglista si Jaden McDaniels ng career-high 27 points sa 115-114 pagtakas ng Minnesota Timberwolves (23-21) sa Mavericks (23-21).

Show comments