Strong Group Athletics sabak agad vs UAE

Bannering SGA’s mission is former NBA All-Star DeMarcus Cousins.
Photo from Strong Group Athletic's Facebook

MANILA, Philippines — Sisimulan ng Strong Group Athletics ang kampanya nito laban sa host United Arab Emirates sa pag-arangkada ng 34th Dubai International Basketball Championships ngayong araw sa Al Nasr Club Basketball Court.

Mapapalaban agad ang SGA kontra sa UAE sa alas-11 ng gabi (oras sa Maynila) kung saan pakay ng Pinoy squad na masungkit ang unang panalo nito.

Masisilayan din ang Zamboanga Valientes na magsisimula ang kampan­ya sa Sabado kontra sa Sharjah SC sa alas-11 ng gabi (oras sa Maynila).

Sesentro muna ang atensiyon sa SGA na babanderahan ni dating NBA star DeMarcus Cousins na beterano na sa international tournaments.

Maliban sa kanyang malalim na karanasan sa NBA, kasama si Cousins sa US Dream Team na nagkampeon noong 2014 FIBA World Cup sa Spain at sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.

Naitala ng SGA ang 104-79 panalo laban sa UAE.

Nariyan si 2024 Jones Cup Most Valuable Pla-yer Chris McCullough na makakatuwang ni Cousins sa tropa gayundin si NBA veteran Malachi Richardson.

Show comments