MANILA, Philippines — Matapos ang masaklap na kampanya sa Australian Open, ibinuhos ni Alex Eala ang lakas nito sa International Tennis Federation (ITF) W100 Tournament na ginaganap sa Bengaluru, India.
Inilabas ng Pinay netter ang bangis nito matapos ilampaso si Arianne Hartono ng Netherlands sa bendisyon ng 6-2, 6-1 demolisyon upang umabante sa Round of 16 ng torneo.
Ito ang ikatlong sunod na panalo ni Eala kay Hartono.
Nanaig din si Eala laban sa Dutch player sa semis ng W25 Roehampton noong 2023 sa Great Britain at sa second round ng W125 Canberra International ngayong buwan sa Canada.
Target ng fifth-seeded na si Eala na makahirit ng puwesto sa quarterfinals sa pagharap nito kay qualifier Dalila Jakupovic ng Slovenia na dumaan sa butas ng karayom bago makapasok sa second round.
Naitakas ni Jakupovic ang 7-6 (4), 3-6, 6-3 panalo kontra kay Elena Pridankina ng Russia.