^

PSN Palaro

James binuhat ang Lakers sa panalo

Pilipino Star Ngayon
James binuhat ang Lakers sa panalo
Dinakdakan ni Lakers forward LeBron James si Wizards center Jonas Valanciunas.
STAR/File

LOS ANGELES — Kumolekta si LeBron James ng triple-double na 21 points, 13 assists at 10 rebounds sa 111-88 pagpapatumba ng Lakers sa Washington Wizards.

Ito ang pang-siyam na triple-double ni James nga­yong season para sa kanyang ika-121 career triple-double.

Inilista rin ni James ang kanyang pang-2,308 career steal sa second quarter para lampasan si Scottie Pippen sa No. 7 place sa NBA history.

Nagkadena si Anthony Davis ng 29 points at 16 rebounds para sa Los Angeles (23-18) habang may tig-16 markers sina Dorian Finney-Smith at Austin Reaves.

Umiskor si Bilal Coulibaly ng 17 points sa pang-11 dikit na kamalasan ng Washington (6-36) na nakahugot kina Jordan Poole at Corey Kispert ng tig-15 markers.

Bumanat si James ng 10 points sa second quarter kung saan nakalayo ang Lakers sa Wizards bago siya ipahinga kasama si Davis.

Sa Denver, nagkuwintas si Nikola Jokic ng 27 points, 13 rebounds at 10 assists para sa kanyang ika-19 triple-double sa season sa 144-109 pagmasaker ng Nuggets (27-16) sa Philadelphia 76ers (15-27).

Sa New York, humakot si Karl-Anthony Towns ng 25 points at 16 rebounds sa 99-95 pagtakas ng Knicks (29-16) sa Brooklyn Nets (14-30).

Sa Miami, tumipa si Anfernee Simons ng 24 points at nagposte si D­eandre Ayton ng 22 points at 15 rebounds sa 116-107 pagdaig ng Portland Trail Blazers (15-28) sa Heat (21-21).

LEBRON JAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with