MANILA, Philippines — Pangungunahan ni promising tanker Behrouz Mohammad Mojdeh ang listahan ng mga Tony Siddayao awardees sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Awards Night na idaraos sa Centennial Hall ng Manila Hotel sa Lunes.
Matikas ang ratsada ni Mojdeh sa nakalipas na taon kabilang na ang pagsikwat nito ng isang ginto, isang pilak at dalawang tanso sa Asian Open School Invitational Cham-pionship sa Bangkok, Thailand.
Nakapag-uwi din si Moj-deh ng dalawang ginto, isang pilak at dalawang tanso kasama ang Most Outstanding Swimmer award sa Bucaneer Invitational Swimming Tournament sa Tokyo, Japan.
Kasama pa rito ang mga gintong medalya sa Batang Pinoy Nationals, Philippine Aquatics Natio-nal Age Group at Philippine Aquatics National Tryout.
Kaya naman kasama si Mojdeh sa mga gagawaran ng Tony Siddayao kasama ang iba pang batang atleta gaya nina three-time jiu-jitsu world champion Aleia Aielle Aguilar at gold winner sa World Wushu Cham-pionships na si Alexander Gabriel Delos Reyes.
Pasok din sina fencer Sophia Shekaina Catantan, swimmer Jamesray Mishael Ajido, at wrestlers Paul Sondrie Capinig at Marian Grace Balisme sa event na suportado ng sa ArenaPlus, Cignal at MediQuest at ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, PLDT/Smart, Senator Bong Go, PBA, PVL, 1-Pacman Party List, Rain or Shine, Akari at AcroCity.
Si Aguilar ay anak ni Universal Reality Combat Championship (URCC) founder at Wrestling Association of the Philippines president Alvin Aguilar.
Naging three-time world champion sa edad na pito si Aguilar nang pagreynahan nito ang 22kg class sa World Festival Jiu-Jitsu Championships sa Abu Dhabi.
Nakaginto naman si Delos Reyes sa boys’ taijishan event sa 9th World Junior Wushu Championships sa Brunei.