Lakers nilunod ng Clippers

Iniwas ni Clippers guard Norman Powell ang kan- yang layup kontra kay Lakers center Jaxson Hayes.
STAR/ File

INGLEWOOD, Calif. - Kumamada si Norman Powell ng 22 points at tumipa si James Harden ng 21 points at 12 assists para gabayan ang Los Angeles Clippers sa 116-102 pagdaig sa Lakers.

Nagdagdag si Kawhi Leonard ng 19 points habang humakot si Ivica Zubac ng 21 points at 19 rebounds para sa paglunod ng Clippers (24-17) sa Lakers (22-18) sa una nilang pagtutuos ngayong season.

Ito ang ikatlong sunod na ratsada ng Clippers na kinuha ang 64-49 halftime lead patungo sa 92-77 kalamangan sa pagtatapos ng third quarter.

Kumolekta si LeBron James ng 25 points at 11 assists kasunod ang 19 markers ni Rui Hachimura, samantalang nagposte si Anthony Davis ng 16 points at 10 rebounds para sa Lakers na nagtapos ang two-game winning streak.

Umiskor si Leonard ng solong 8-0 atake para itala ang kanyang 14,000 career points sa third period kung saan itinayo ng Clippers ang 26-point lead laban sa Lakers.

Sa Oklahoma City, naglista si Shai Gilgeous-Alexander ng 27 points at 10 assists sa 127-101 demolis­yon ng Thunder (35-7) sa Brooklyn Nets (14-29).

Sa Milwaukee, huma­kot si Giannis Anteto­kounmpo ng 34 points at 15 rebounds sa 123-109 pagsuwag ng Bucks (24-17) sa Philadelphia 76ers (15-26).

Sa Orlando, humakot si Nikola Jokic ng triple-double na 20 points, 14 rebounds at 10 assists sa 113-100 panalo ng Denver Nuggets (26-16) sa Magic (23-21).

Show comments