NCAA pararangalan sa PSA Awards
MANILA, Philippines — Pangungunahan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang listahan ng mga bibigyan ng citations sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Awards Night na idaraos sa Enero 27 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Kikilalanin ang NCAA — ang Grand Old League — matapos itong magdaos ng ika-100 season sa nakalipas na taon.
Makakasama ng NCAA ang dragon boat national team, Philippine Volcanoes, weightlifter Angeline Colonia, jiu jitsu bet Isabella Joseline Butler, powerlifter Regie Ramirez at ang grand slam winner Creamline sa event na co-presented ng ArenaPlus, Cignal at MediaQuest.
Nasa unahan ng listahan si Carlos Yulo na siyang tatanghaling Athlete of the Year sa programang suportado ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Philippine Olympic Committee, Milo, PLDT/Smart, Senator Bong Go, Januarius Holdings, PBA, PVL, 1-Pacman Party List, Rain or Shine, Akari at AcroCity.
Nasa citations din sina Johann Chua at Albert James ‘AJ’ Manas (billiards), Karl Eldrew Yulo (gymnastics), Ruelle Canino (chess), Kheith Rhynne Cruz (table tennis), Marc Dylan Custodio (bowling), Mark John Lexer Galedo (cycling), Lovely Inan (weightlifting), Philippine baseball team, Centennial 7 (sailing), Jessa Mae Tabuan (powerlifting) at Ramon ‘Tats’ Suzara (volleyball).
Hindi malilimutan ang ipinamalas ng Filipino paddlers sa ICF Dragon Boat World Championship na ginanap sa Puerto Prin-cesa, Palawan kung saan itinanghal itong overall champion.
- Latest