^

PSN Palaro

Cousins bukas sa PBA stint

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bukas ang pintuan ni dating NBA star sa posibilidad na makapaglaro bilang import sa Philippine Basketball Association (PBA).

Ito ang inihayag ni Cou­sins nang tanungin ito sa posibleng paglalaro sa pinakamatandang commercial basketball league sa Asya.

Ayon kay Cousins, kung magkakaroon ng pag­kakataon at magkasundo sa mga bagay-bagay, hindi ito magdadalawang isip na kagatin ito.

“I’m a businessman, if it makes sense, absolutely,” ani Cousins.

Sanay na sanay na sa estilo ng Pinoy basketball si Cousins dahil nakapaglaro na ito sa ilang Pinoy clubs.

Kabilang na rito ang Zamboanga Valientes na tinulungan ni Counsins na walisin ang The Asian Tournament noong Agosto ng nakaraang taon.

Sa kasalukuyan, kasama ito sa Strong Group Athletics na sasabak naman sa 2025 Dubai International Basketball Championship na gaganapin sa Enero 24 hanggang Pebrero 2 sa United Arab Emirates.

“It feels great to be back. Same supporters last time, same love,” ani Cousins.

Sa pagbabalik ni Cou­sins sa Maynila, masaya ito dahil mainit pa rin ang pagtanggap sa kanya ng Pinoy fans gaya nang u­nang pagbisita nito.

Umaasa si Cousins na matutulungan nito ang SGA na masungkit ang kampeonato sa Dubai tournament.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with