PNVF, Korean firm magsasanib-puwersa
Para sa hosting ng MWCH
MANILA, Philippines — Nakipagtulungan na ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa ilang Korean team para makatuwang sa world-class marketing at public relations ng FIVB Men’s World Championship (MWCH) 2025 na gaganapin sa Setyembre.
Itinalaga ni PNVF president Ramon “Tats” Suzara si Jeon Yongjun bilang director ng Marketing and Public Relations sa Local Organizing Committee (LOC) ng FIVB MWCH 2025.
“We wish to create opportunities for South Korea in the world of volleyball,” ani Suzara na siya ring pangulo ng Asian Volleyball Confederation at executive vice president ng International Volleyball Federation.
Ayon kay Suzara, malaki ang maitutulong ni Jeon upang mapalakas ang promosyon ng naturang world meet.
Personal pang nagtungo si Suzara sa Seoul, South Korea kasama sina PNVF secretary-general Donaldo Caringal at marketing head Raoul Floresca para makipagpulong sa mga Koreans.
Inirekomenda si Jeon ni Choongwon Su na siyang chief development officer ng Neocolors P&A Inc. — ang exclusive advertising agency at promoter ng South Korea.
“Filipinos are excited to watch the South Korea National Team and will be equally excited to welcome Korean brands,” ani Suzara.
Isang kilalang K-pop group ang iimbitahan ng PNVF para mag-perform sa opening ceremony ng FIVB MWCH 2025.
“The world championship is a big opportunity for the Asian and Korean companies to be known to the billions of viewers around the world and to expand their businesses to the Philippines and Southeast Asia,” ani Suzara.
- Latest