PLDT preparado sa pagharap sa Akari

Papagitna ang Farm Fresh at Nxled ngayong ala-1:30 ng hapon na su­sun­dan ng bakbakan ng Choco Mucho at ZUS Coffee sa alas-4 ng hapon.

MANILA, Philippines —  Magpapalakas ng ka­nilang kampanya ang tatlong koponan sa pagbabalik ng 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Phil­Sports Arena sa Pasig City.

Papagitna ang Farm Fresh at Nxled ngayong ala-1:30 ng hapon na su­sun­dan ng bakbakan ng Choco Mucho at ZUS Coffee sa alas-4 ng hapon.

Magtutuos sa alas-6:30 ng gabi ang PLDT Home Fibr at Akari para kumpletu­hin ang triple-header ng tor­neo na huling naglaro no­ong Disyembre 14 kasunod ang mahabang break.

Kagaya ng iba pang ko­ponan, tuluy-tuloy rin ang naging ensayo ng High Speed Hitters (3-2) para paghandaan ang Chargers (3-3).

“We continued with indi­vidual workouts during the holiday break, and then re­­sumed our normal routine when we came back — fo­cu­sing on conditioning and court work,” sabi ni PLDT coach Rald Ricafort.

Minalas ang tropa ni Ri­cafort sa kanilang huling da­lawang laro laban sa Che­ry Tiggo (4-2) at Petro Gazz (5-1).

Umiskor naman ng pa­nalo ang Akari laban sa Crossovers bago ang holiday break.

“Of course, we’ve had some breaks along the way, and it’s unrealistic to ex­pect significant changes in such a short period. But I’m hopeful we can conti­nue to progress as we ap­proach the quarterfinals,” ani Japanese mentor T aka Minowa.

Muling babanderahan ni Fil-Canadian Savi Davison ang High Speed Hitters kasama sina Erika Santos, Fiola Ceballos, Majoy Ba­ron, Mika Reyes, Kiesha Be­donia at Kath Arado.

Hindi pa maglalaro sina Kianna Dy at Kim Fajardo.

Sina Ivy Lacsina, Faith Nisperos, Grethcel Sol­to­nes at Camille Victoria ang gigiya sa Chargers.

Show comments