Spurs pinapak ng Grizzlies; Lakers tinapos ang kamalasan

Ang pagdakdak ni Memphis Grizzlies guard Ja Morant laban kay 7-foot-3 Spurs center Victor Wembanyama.

SAN ANTONIO — Nag­su­mite si point guard Ja Mo­rant ng 21 points at 12 assists para banderahan ang Memphis Grizzlies sa 129-115 pagdispatsa sa Spurs.

May 21 markers din si Desmond Bane para sa Memphis (26-15), habang may 20 at 19 points sina Santi Aldama at Jaren Jackson Jr., ayon sa pagka­kasunod.

Pinamunuan ni rookie Ste­phon Castle ang San An­­tonio (19-20) sa kanyang season-high 26 points at nag­kadena si Victor Wembanyama ng 13 points, 12 re­bounds at 8 blocks.

Inatake ng Grizzlies ang 7-foot-3 na si Wembanyma sa depensa ng Spurs tampok ang isang one-handed slam dunk sa kanya ni Mo­­rant sa huling dalawang mi­nuto ng fourth period.

Ngunit hindi ibinilang ang nasabing dunk ni Morant kay Wembanyama da­hil naunang pumito ng foul ang referee.

Ang lahat ng walong blocks ni Wembanyama para sa San Antonio ay kan­y­ang itinala sa first half.

Umiskor naman ang Mem­phis ng 78 points sa ka­buuan ng second half at nilimitahan ang home team sa 52 markers.

Sa Los Angeles, umiskor si Rui Hachimura ng 23 points at humakot si An­thony Davis ng 22 points at 11 rebounds sa 117-108 pa­nalo ng Lakers (21-17) sa Miami Heat (20-19).

Nag-ambag si LeBron James ngh 22 points at 9 assists at tumipa si Austin Reaves ng 14 points at 14 rebounds para tapusin ng Los Angeles ang three-game losing slump.

Sa Minneapolis, kumo­nekta si Stephen Curry ng pitong 3-pointers at tuma­pos na may 31 points sa 116-115 pag-eskapo ng Gol­­den State Warriors (20-20) sa Minnesota Timberwolves (21-19).

Sa Inglewood, California, umiskor si Kawhi Leo­nard ng 23 points at may 21 markers si James Harden sa  126-67 pagmasaker ng Clippers (22-17) sa Brooklyn Nets (14-27).

Show comments