MANILA, Philippines — May ilang araw pa si coach Leo Austria paga mag-isip kung papalitan si import Jabari Narcis para sa kampanya ng San Miguel sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup.
Walang naiskor si Narcis sa 74-84 kabiguan ng Beermen sa Hong Kong Eastern sa EASL Home And Away Season 2 noong Miyerkules ng gabi sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Nakatakdang labanan ng San Miguel, may 4-4 record, ang Meralco (6-3)bukas sa Candon City Arena sa Ilocos Sur.
“Time is really important because Saturday we have a game and getting an import, it’s a lot of hard work because you will take a lot of things, especially in documentation and you have to a medical test, special working permit, everything,” sabi ni coach Leo Austria.
Dahil dito ay maaaring si Narcis pa rin ang iparada ng Beermen sa pagsagupa sa Bolts.
Si import Bennie Boatwright ay kasalukuyang nagrerekober sa kanyang Achilles injury at wala pang katiyakan kung kailan muling maglalaro para sa SMB.