Sato haharurot sa Chery Tiggo

Si Risa Sato (gitna) ang bagong miyembro ng Chery Tiggo kasama sina Ara Galang at Aby Maraño).

MANILA, Philippines — Dadalhin ni middle blocker Risa Sato ang malalim nitong karanasan sa paghataw nito sa Chery Tiggo Crossovers sa Premier Volleyball League (PVL).

Inihayag na ng Chery Tiggo management ang paghugot nito kay Sato sa kanilang mga social media accounts.

Galing si Sato sa Grand Slam champions Creamline Cool Smashers.

Mainit na tinanggap si Sato sa Crossovers na hindi na rin naman bago para sa kanya dahil karamihan sa mga players nito ay nakasama na nito partikular na ang mga dating miyembro ng National University Lady Bulldogs sa UAAP.

“Yokoso (welcome) Risa-san,” ayon sa post ng Crossovers.

Umaasa ang Crossovers na makatutulong si Sato sa kampanya nito sa liga.

Nauna nang naglaba­san ang mga larawan ni Sato kasama ang Chery Tiggo sa isang salo-salo.

“To our newest addition to our growing family, welcome. Your skills and e­nergy are a game-chan­ger and we can’t wait to have you on the court with us Risa Sato,” ayon pa sa statement ng Chery Tiggo.

Malalim na ang karanasan ni Sato na may kabuuang 12 korona sa PVL.

Kabilang na rito ang 10 titulo kasama ang Cool Smashers.

Ngunit hindi pa malinaw kung makalalaro agad si Sato kasama ang Crossovers sa PVL All-Filipino Conference dahil sa umiiral na patakarang ipinatutupad ng liga.

Base sa rule, hindi ma­aaring makalaro ang isang player para sa kanyang bagong team kung naka­lista pa ito sa lineup ng kanyang dating team sa ginaganap na kumperensiya.

Maari lamang itong ma­kalaro sa susunod na kum­perensiya matapos ang All-Filipino Conference.

Show comments