MILWAUKEE — Humakot si Giannis Antetokounmpo ng 30 points, 13 assists at 11 rebounds para sa kanyang ika-50 career triple-double sa 130-115 pagsuwag ng Bucks sa Sacramento Kings.
Ito ang pang-limang triple-double ni Antetokounmpo ngayong season para sa Milwaukee (21-17) na nakahugot kay Damian Lillard ng 24 points.
Nagdagdag si Brook Lopez ng 21 markers at may 16 points si A.J. Green.
Nagtapos ang seven-game winning streak ng Sacramento (20-20) na nakakuha kay DeMar DeRozan ng 28 habang may 20 at 18 markers sina De’Aaron Fox at Keon Ellis, ayon sa pagkakasunod.
Ikinasa ng Bucks ang isang 28-point lead sa kaagahan ng second quarter mula sa 75-54 halftime lead at hindi na nilingon ang Kings sa second half.
Sa Atlanta, nagpaputok si Trae Young ng season-high 43 points sa 122-117 pagpapalubog ng Hawks (20-19) sa Phoenix Suns (19-20).
Sa Philadelphia, nagsalpak si Shai Gilgeous-Alexander ng 32 points at may 24 markers si Jalen Williams sa 118-102 demolisyon ng Oklahoma City Thunder (33-6) sa 76ers (15-23).
Sa Indianapolis, tumipa si Donovan Mitchell ng 35 points para sa 127-117 dominasyon ng NBA-leading Cleveland Cavaliers (34-5) sa Indiana Pacers (22-19).
Sa Dallas, bumanat si Jamal Murray ng 32 sa kanyang season-high 45 points sa first half sa 118-99 panalo ng Denver Nuggets (24-15) sa Mavericks (22-18)