MANILA, Philippines — Hindi pa man nag-iinit sa Korean Basketball League (KBL), sasalang agad sa isang buwan na pahinga si Kevin Quiambao matapos magtamo ng ankle injury.
Nagtamo ng injury ang two-time UAAP MVP na si Kevin Quiambao sa unang laro nito sa laban ng kanyang tropang Goyang Sono Skygunners kontra sa Seoul SK Knights sa KBL sa Goyang Gymnasium.
Hindi sinasadyang maapakan ni Quiambao ang paa ni Oh Sekuen ng Seoul SK Knights may halos walong minuto pang nalalabi sa second quarter.
Hindi na nakabalik sa paglalaro si Quiambao kung saan lumasap ang Goyang ng 57-84 kabiguan.
Nakapuntos lamang si Quiambao ng anim na puntos mula sa dalawang three-pointers.
Panibangong dagok na naman ito para sa Gilas Pilipinas na sasabak sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa susunod na buwan.
Bahagi si Quiambao ng Gilas Pilipinas pool na haharap kontra sa Chinese-Taipei sa Pebrero 20 at New Zealand sa Pebrero 23.