BOSTON — Nagkuwintas si Jayson Tatum ng 38 points at 11 rebounds para banderahan ang nagdedepensang Celtics sa 120-119 pagtakas sa New Orleans Pelicans.
Kumolekta si Kristaps Porzingis ng 19 points at 11 boards para sa Boston (28-11).
Bumira si Trey Murphy III ng 30 points sa panig ng New Orleans (8-32) na nakahugot ng 16 markers sa nagbabalik na si Zion Williamson habang may 26 points si Dejounte Murray.
Kinuha ng Pelicans ang isang 11-point lead sa first quarter bago naagaw ng Celtics ang 120-119 bentahe.
Natawagan si Derrick White ng five second violation sa posesyon ng Boston, samantalang mintis naman ang layup ni CJ McCollum sa bola ng New Orleans kasunog ang pagtunog ng final buzzer.
Sa New York, nagpasabog si Jalen Brunson ng 44 points sa 140-106 pagmasaker ng Knicks (26-14) sa Milwaukee Bucks (20-17).
Sa Cleveland, umiskor si Andrew Nembhard ng 19 points at may 18 markers si Pascal Siakam sa 108-93 pagdaig ng Indiana Pacers (22-18) sa NBA-leading Cavaliers (33-5).
Sa Chicago, naglista si Domantas Sabonis ng 22 points, 15 rebounds at 8 assists sa 124-119 panalo ng Sacramento Kings (20-19) sa Bulls (18-21).
Sa Washington, humugot si Shai Gilgeous-Alexander ng 16 sa kanyang 27 points mula sa foul line sa 136-95 parapido ng Oklahoma City Thunder (32-6) sa Wizards (6-31).
Sa Orlando, bumira si Cole Anthony ng 27 points para ihatid ang Magic (23-18) sa 104-99 paglusot sa Philadelphia 76ers (15-22).