Jumper ni Morant nagsalba sa Grizzlies

Naitira na ni Memphis Grizzlies guard Ja Morant ang kanyang game-winning shot bago masupalpal ni Minnesota Timberwolves guard Anthony Edwards.
STAR/File

MINNEAPOLIS — Ipinasok ni Ja Morant ang isang tie-breaking jumper sa huling 18 segundo habang kumamada si Jaren Jackson Jr. ng 33 points sa 127-125 pagtakas ng Memphis Grizzlies sa Minnesota Timberwolves.

Tumapos si Morant na may 12 points, ngunit itinabla ang Grizzlies (25-14) sa 125-125 sa nala­labing 54 segundo ng fourth quarter bago ang kanyang 11-footer para sa kanilang panalo.

Nagdagdag si Desmond Bane ng 21 points tampok ang apat na three-point shot.

Mintis ang dalawang 3-point attempt ni Anthony Edwards sa natitirang 7.3 segundo na pumigil sa three-game winning streak ng Timberwolves (20-18).

Umiskor si Donte DiVincenzo ng season-high 27 points para sa Minnesota, habang may 21 at 15 mar­kers sina Jaden McDaniels at Edwards, ayon sa pagkakasunod.

Sa Portland, nagpa­putok si Tyler Herro ng 32 points, kasama rito ang pitong three-pointers, para akayin sa 119-98 panalo ang Miami Heat (20-17) sa Trail Blazers (13-25).

Sa Detroit, nagsumite si Cade Cunningham ng triple-double na 22 points, 17 assists at 10 rebounds para tulungan ang Pistons (20-19) sa 123-114 pagpapatumba sa Toronto Raptors (8-31).

Show comments