TNT pinutol ang linya ng Converge

Isinalpak ni import Rondae Hollis-Jefferson ang isang krusyal na fadeaway jumper sa huling minuto ng fourth period para sa 98-96 pag-eskapo ng Tropang Giga sa FiberXers sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

MANILA, Philippines — Nagkiskisan ang TNT Tropang Giga at Converge sa kabuuan ng laro, ngunit isa lang sa kanila ang dapat manalo at maipagpatuloy ang ratsada.

Isinalpak ni import Rondae Hollis-Jefferson ang isang krusyal na fadeaway jumper sa huling minuto ng fourth period para sa 98-96 pag-eskapo ng Tropang Giga sa FiberXers sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Tumapos si Hollis-Jefferson na may 31 points.

Dumiretso ang TNT sa kanilang ikaapat na sunod na panalo para palakasin ang tsansa sa quarterfinal round bitbit ang 4-2 record.

Nagwakas ang four-game winning streak ng Converge para sa kanilang 6-3 baraha.

“In the end with a team like Converge, you cannot stop everything, you ,” wika ni Tropang Giga coach Chot Reyes sa FiberXers. “Luckily, we were able to make that two crucial stops in the end.”

Halos hindi naghiwalay ang dalawang koponan bago kunin ng Converge ang 96-91 bentahe sa 4:10 minuto ng fourth period mula sa basket ni import Cheick Diallo.

Ang tirada ni Hollis-Jefferson at three-point shot ni Oftana ang nagtabla sa TNT sa 96-96 sa 2:46 minuto ng laro.

Matapos ang dalawang mintis na free throws ni Diallo para sa FiberXers ay isinalpak ni RHJ ang kanyang fadeaway shot para sa 98-96 abante ng Tropang Giga sa huling 1:07 minuto.

Bigo ang Converge na makatabla sa dalawa nilang posesyon dahil sa depensa ng TNT.

“Hindi puwedeng ako lang iyong dumepensa, dapat buong team talaga. Iyon din ang nagpa-champion sa amin last confe­rence (Governor’s Cup) iyong depensa namin,” ani Pogoy.

Umiskor si Diallo ng 37 points para sa FiberXers

Show comments