MANILA, Philippines — Isa nang ganap na miyembro ng national swimming team si dating World Junior Championships campaigner Micaela Jasmine Mojdeh na sumampa na sa seniors division matapos ang kanyang matagumpay na career sa juniors class.
Kasama na si Mojdeh sa listahan ng mga national athletes na nakakatanggap ng monthly allowance mula sa Philippine Sports Commission.
Kaya naman hindi maitago ni Mojdeh ang saya nito dahil isa ito sa katuparan ng kanyang pangarap — ang mapasama bilang isa sa opisyal na miyembro ng national pool.
“Reaching the National Training Pool feels surreal. It’s a testament to the power of consistent effort and the unwavering support of those around me,” ani Mojdeh.
Nangako si Mojdeh na ibubuhos nito ang kanyang lakas upang patuloy na mabigyan ng karangalan ang bansa sa iba’t ibang international tournaments na lalahukan nito.
“I am humbled an excited for this new chapter. I will pour my heart and soul into my training and strive to make our country proud,” ani Mojdeh
Nagpasalamat ito sa Philippine Aquatics Inc. at Philippine Sports Commission sa suportang ibinibigay nito upang mas lalo pang umunlad ang swimming sa bansa.
“I would also like to thank the Philippine Aqua-tics Inc. and the Philippine Sports Commission for always supporting the athletes,” dagdag ni Mojdeh.
Maningning ang juniors career ni Mojdeh matapos humakot ng kaliwa’t kanang gintong medalya hindi lamang sa local tournaments maging sa international stage.
Kabilang sa mga nilahukan nito ang World Junior Championships, Asian Age Group Championships, SEA Age Cham-pionships, Asean Schools Games at mga invitational tourney sa Amerika, Canada, Japan, China, South Korea, Australia, France, South Africa, Qatar, UAE, Singapore, Thailand at Malaysia.
Sa edad na 18-anyos, unang sumalang sa seniors tournament si Mojdeh sa 2024 World Cup noong Nobyembre kung saan nakapasok ito sa finals ng women’s 200m butterfly sa Singapore Leg.
Proud na proud din ang parents ni Mojdeh sa tagumpay ng kanilang anak na hinubog sa loob ng mahigit isang dekada at patuloy na huhubugin sa pagpasok nito sa seniors division.
“If anyone would say it’s easy to be an athlete... believe me, it’s not. It took her 12 years to be able to reach NTP alone, and still, she is just a rookie on it,” ani Joan Mojdeh — ang proud mother ni Jasmine.