MANILA, Philippines — Bumabandera si NLEX import Mike Watkins sa Best Import race sa PBA Season 49 Commissioner’s Cup.
Naungusan ni Watkins ang dating PBA Best Import awardees na sina Justin Brownlee ng Barangay Ginebra at Rondae Hollis-Jefferson ng Talk ’N Text.
Nakalikom na si Watkins ng 54.9 statistical points mula sa kanyang mga solidong laro para sa Road Warriors.
Hawak ni Watkins ang averages na 25.4 points, 24.1 rebounds at 1.9 assists para okupahan ang unang puwesto.
Pumapangalawa naman si Kadeem Jack ng NorthPort na may kabuuang 50.7 SPs mula sa averages na 30.3 points, 11.9 rebounds, 1.4 assists, 1.5 steals at 1.7 blocks.
Malaking tulong si Jack para hawakan ng Batang Pier ang liderato tangan ang 7-1 rekord.