Masamang balita from Japan ang ACL injury ni Kai Sotto.
Nightmare.
Yes, napunit ang ACL or ligament or litid sa kaliwang tuhod ni Sotto habang naglalaro sa Japan B.League.
Play sa ilalim then bigla na lang napahiga si Sotto. Namilipit sa sakit at kailangan ilagay sa stretcher.
Pero nung bumalik sa bench, ang inisip ko eh hindi sana masyado serious. Sa tests na nakita ang punit.
Yes, nakaka-recover na ngayon ang players sa ACL injury. Unlike nung 1980s or 1990s, death sentence ang ACL.
Pero dehins madali. Easily six months to nine months to one year ang rehab at full recovery.
Ang balita, sa America ang surgery ni Sotto at baka doon na din ang rehab.
It means out sa Gilas si Sotto para sa FIBA Asia Cup sa Saudi Arabia sa August at sa fourth window ng qualifiers next month.
Ang isa pang apektado natural eh ang patuloy na NBA dreams ni Sotto. Sayang dahil maganda ang pinapakita niya lately at muling napapansin ng NBA teams.
It’s not over naman dahil I’m sure babangon si Sotto.
Yun nga lang, kumbaga sa baso, may lamat na.