Sotto dinamayan ng mga artista at players

Kai Sotto
Fiba.com

MANILA, Philippines —  Bumuhos ang suporta para kay Gilas Pilipinas standout Kai Sotto na nagtamo ng torn cruciate ligament injury (ACL) sa laro nito sa Japan B.League.

Kaliwa’t kanan ang maiinit na mensahe mula sa mga sports personalities, groups at artista para sa ma­bilisang paggaling ng 7-foot-3 Pinoy cager.

Nagbigay ng mahabang mensahe ang aktor na si Ruru Madrid na ka­patid ng napapabalitang ka­sintahan ni Sotto na si Re­re Madrid.

“Brother! panalangin pa­ra sa iyong mas mabilis na paggaling. Gusto ko lang sabihin sayo bro na alam kong mahirap yung pa­kiramdam mo ngayon pe­ro sana ito ang magsil­bing motivation sayo to work harder,” ani Ruru.

May kani-kaniyang men­sahe rin ang mga kap­wa players nitong sina Bob­by Ray Parks Jr., Jordan Heading, June Mar Fa­jardo, AJ Edu, Chris New­some, Dave Ildefonso, Troy Rosario at Gabe Norwood.

Show comments