T-Wolves tsinibog ang Magic para sa ika-3 dikit

ORLANDO, Fla. - Nag­ka­dena si Julius Randle ng 23 points at 10 rebounds at may 21 markers si Anthony Edwards para banderahan ang Minnesota Timberwolves sa 104-89 pagdaig sa Magic.

Ito ang ikatlong sunod na arangkada ng Minneso­ta (20-17).

Nag-ambag si Naz Reid ng 16 points, habang humakot si Rudy Gobert ng 10 points at 12 rebounds.

Pinamunuan ni Goga Bitadze ang Orlando (22-17) sa kanyang 15 points ka­­sunod ang 13 markers ni Kentavious Caldwell-Pope.

Inaasahang magbabalik sa aksyon si Paolo Banchero, hindi naglaro simula noong Oktubre matapos mag­karoon ng torn right ob­lique, ngayon sa pagsagu­pa ng Magic sa Milwaukee Bucks.

Ang slam dunk ni Edwards laban kay Anthony Black ang nagbigay sa Tim­berwolves ng isang 10-point lead sa huling 3:19 mi­nuto sa third quarter na hindi na nila pinabayaan hanggang sa fourth period.

Sa Detroit, umiskor si Buddy Hield ng 19 points para tulungan ang Golden State Warriors (19-18) sa 107-104 pag-eskapo sa Pis­tons (19-19).

Sa Cleveland, buma­nat si Darius Garland ng season-high 40 points sa 132-126 panalo ng NBA-leading Cavaliers (33-4) sa Toronto Raptors (8-30).

Sa Memphis, humakot si Alperen Sengun ng 32 points at 14 rebounds sa 119-115 pagpapatumba ng Houston Rockets (25-12) sa Grizzlies (24-14).

Show comments