NEW YORK - Ipinagpaliban kahapon ng NBA ang laro ng Lakers at Charlotte Hornets sa Los Angeles dahil sa mapaminsalang wildfire sa nasabing lungsod.
“The entire NBA family sends its thoughts and support to the community of Los Angeles during this challenging time,” pahayag ng liga.
Nasa No. 6 spot ang Lakers (20-16) sa Western Conference, habang No. 13 naman ang Hornets (8-27) sa Eastern Conference.
“We’re heartbroken for Los Angeles,” wika ng Lakers team sa kanilang website. “Our thoughts are with all those impacted by this unimaginable situation.”
Nakatakdang labanan ng Lakers si French star Victor Wembanyama at ang San Antonio Spurs bukas at sa Martes.
Sunog ang bahay ng mga Hollywood celebrities at socialites sa Pacific Palisades dahil sa wildfire na umabot na sa Eaton sa northeast at sa Hurst.