Bingkay, 3 pa gagawaran ng parangal sa PSA Awards Night

Rubilen Amit

MANILA, Philippines — Kukutitap ang gabi ni three-time World Champion Pinay cue artist Rubilen Amit dahil nakatakda siyang parangalan sa 2024 San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night na gaganapin sa Enero 27 sa Centennial Hall sa Manila Hotel.

Lalong nakilala ang Pilipinas sa larangan ng bilyar noong 2024 nang angkinin ng 43-anyos na si Amit ang prestihiyosong WPA Women’s World 9-Ball Championship na ginanap sa New Zealand noong Setyembre.

Kaya walang dudang karapat-dapat siyang kila­lanin ng pinakamatandang sports organization sa Pilipinas kung saan ang major sponsors ay ang Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, PLDT/Smart, Sen. Bong Go at Januarius Hol­dings at suportado ng PBA, 1-Pacman Party-list, Acro City, PVL, Akari, at Rain or Shine.

Major awardee rin ang kapwa bilyarista ni Amit na si two-time WPA World Champion Carlo Biado na pinamunuan ang Team Philippines para masilo ang 2024 CPBA 9-Ball Teams Invitational tournament sa New Taipei City, Taiwan noong Mayo.

Nasa listahan din sa bibigyan ng citations sina cue masters Johann Chua at Albert James “AJ” Manas na nag-uwi din ng kara­ngalan sa bansa noong nakaraang taon.

Show comments