Green, Rockets pinaluhod ang LA Lakers

Kaagad ikinasa ni Fil-Am guard Jalen Green ng Houston Rockets ang kanyang jumper laban kay Los Angeles Lakers center Anthony Davis.

HOUSTON — Nagpa­sabog si Fil-american guard Jalen Green ng 33 points, habang ang krusyal na agaw ni Fred VanVleet ang nag­preserba sa 119-115 pa­nalo ng Rockets kontra sa Los Angeles Lakers.

Nagdagdag si Amen Thompson ng 23 points at career-high 16 rebounds sa kanyang pagbabalik matapos patawan ng two-game suspension para sa panalo ng Houston (23-12).

Pinangunahan ni An­tho­ny Davis ang Los Ange­les (20-15) sa kanyang 30 points at 13 rebounds, ha­bang nag-ambag si LeBron James ng 21 points, 13 re­bounds at 9 assists.

Maapos ang basket ni James na nagdikit sa La­kers sa 115-117 sa huling wa­long segundo ng fourth quarter at isang free throw naman ang naipasok ni Alperen Sengun para sa 118-115 abante ng Rockets.

Sa posesyon ng Los An­geles ay naagaw ni VanVleet ang inbounds pass para kay James.

Nagsalpak si Van­Vleet isang free throw para sel­yuhan ang panalo ng Houston.

Sa San Francisco, tumi­pa si Malik Monk ng 26 points at 12 assists, habang naglista si Domantas Sabonis ng 22 points, 13 re­bounds at 7 assists, sa 129-99 dominasyon ng Sac­ramento Kings (17-19) sa Golden State Warriors (18-17).

Sa Oklahoma City, kumolekta si Shai Gilgeous-Alexander ng 33 points at 11 rebounds sa 105-92 pagsapaw ng Thunder (30-5) sa nagdedepensang Boston Celtics (26-10) para sa kanilang franchise-record na 15-game winning streak.

Sa Cleveland, kuma­ma­da si Darius Garland ng 25 points sa 115-105 pag­daig ng NBA-leading Ca­valiers (31-4) sa Charlotte Hornets (7-27).

Show comments