Record ni Jordan winasak ni James

Inatrasan ni Los Angeles Lakers forward LeBron James si Atlanta Hawks forward Jalen Johnson para makaiskor.

LOS ANGELES — Umiskor si LeBron James ng 30 points para banderahan ang Lakers sa 119-102 pagpapabagsak sa Atlanta Hawks.

Ipinasok ni James ang isang 18-foot jumper sa 5:58 minuto ng fourth quarter para sa kanyang ika-563 na 30-point game sa 22-year career niya at burahin ang NBA record ni Michael Jordan (562) noong 2003.

Ito rin ang ika-1,523 career regular-season game ng 40-anyos na si James para ungusan si Dirk No­witzki (1,522) sa fourth place sa NBA history.

Nagdagdag si Austin Reaves ng 20 points habang humakot si Anthony Davis ng 18 points at 19 rebounds para sa Los A­ngeles (20-14) na umakyat sa fourth place sa Western Conference.

Bumanat si Trae Young ng 33 points para sa ikalawang sunod na kabiguan ng Atlanta (18-17).

Sa Dallas, nagkuwintas si Evan Mobley ng 34 points at 10 rebounds para banderahan ang Cleveland Cavaliers (30-4) sa 134-122 pagpapatumba sa Mavericks (20-15).

Sa Houston, tumipa si Derrick White ng 23 points at may tig-20 markers sina Jayson Tatum at Payton Pritchard sa 109-86 paggupo ng nagdedepensang Boston Celtics (26-9) sa Rockets (22-12).

Sa Denver, humakot si Victor Wembanyama ng 35 points at 18 rebounds sa 113-110 pagtakas ng San Antonio Spurs (18-16) sa Nuggets (19-14).

Show comments